Walang iwanan!
Ito ang sinasabing pangako ni Sarangani Representative Manny Pacquiao kay Vice President Jejomar Binay kasunod ng napaulat na nagparating ito ng feelers para umanib sa administration party.
Ayon kay Binay, nagkausap na sila ni Pacquiao at tiniyak nito sa kanya na hindi ito kakalas sa United Nationalist Alliance o UNA.
Pinaratangan din ni Binay ang Liberal Party na siyang may pakana ng pagpapalutang ng naturang isyu upang mabasag ang oposisyon.
By Jelbert Perdez