Hindi pa isinasara ni fighting senator at dating 8-division world champion manny pacquiao ang pintuan para sa kanyang coach at trainer na si Freddie Roach.
Ayon sa pambansang kamao, hindi pa pinal ang desisyon ng pagtanggal kay Roach sa Team Pacman.
Sinabi ni Pacquiao na mangyayari ang huling desisyon ng kanilang kampo sa mga susunod na araw.
Bagama’t wala pang pinipirmahang kontrata, abala ngayon ang pambansang kamao sa pag-promote ng laban kasama ang Golden Boy Promotions kung saan inaasahang makakalaban si Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.
—-