Gutom sa panalo.
Ito ang nararamdaman ni Pambansang Kamao at 8-Division World Champion Manny Pacquiao sa nakatakda nitong laban sa linggo kontra kay Timothy Bradley.
Sinabi ni Pacquiao na gutom na gutom siya sa panalo matapos ang 11 buwan kung saan siya tinalo ni undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.
Iginiit ni Pacquiao na kailangang kailangan niyang manalo sa laban kontra Bradley lalo’t ito na aniya ang kanyang huling laban.
Nais ni Pacquiao na makapag-iwan ng magandang legasiya sa boksing bago man lamang isabit ang kanyang boxing gloves.
By Ralph Obina