Hinirang si People’s Champ Manny Pacquiao bilang 2015 Asia Game Changer of the year.
Si Pacquiao ang sumunod sa yapak ni Alibaba Chief Executive Officer Jack Ma na tumanggap din ng katulad na parangal noong nakaraang taon.
Ayon sa Asia Society, ang game changers awards ay kumikilala sa mga taong nakagawa ng “transformative and positive differences” para sa hinaharap ng Asia at ng buong mundo.
Ang honorees ay napili sa pamamagitan ng isang global survey kung saan mahigit 1,000 lider sa iba’t ibang panig ng daigdig.
Sinabi ng grupo na iginawad kay Pacquiao ang award dahil sa paggamit nito ng boxing sport at gayundin ang kanyang star power bilang “sources” ng kabutihan.
Pormal na tatanggapin ni Pacquiao at ng iba pang honorees ang kanilang award sa Asia Game Changer Awards Dinner and Celebration sa United Nations sa October 13.
By: Jelbert Perdez