Nag-demand ng rematch si 8-Division World Champion Manny Pacquiao matapos mabunyag ang umano’y paggamit ng IV injection ni undefeated boxer Floyd Mayweather Junior sa megafight ng dalawa noong Mayo na sinasabing paglabag sa anti doping rules.
Ito ay sa kabila ng depensa ng kampo ni Mayweather at ng United States doping agency na legal ang pagtuturok ng pound for pound king dahil sa ito vitamins at mineral lamang bago ang laban.
Pero giit ni Pacquiao, bakit umabot pa ng tatlong linggo matapos ang kanilang laban bago ipinaalam ng USDA sa Nevada State Athletic Commission ang tungkol sa pagtuturok ni Mayweather.
Binigyang diin ng Pambansang Kamao na dapat maging consistent ang NSAC sa pagpapatupad ng kanilang batas kung saan dapat aniya walang kinikilingan at maging patas ang mga ito.
Matatandaang gabi bago ang laban, hiniling din ni Pacquiao na mabigyan siya ng painkiller dahil sa iniinda nitong injury sa kananang balikat ngunit di aniya pumayag ang NSAC.
By Ralph Obina