Nagbigay ng mensahe si Senator Manny Pacquiao kay dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos manguna sa presidential race sa partial and unofficial count of votes ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Pacquiao, tanggap niya na ang naging desisyon ng taumbayan kaya dapat na magkaroon ng pagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran ang bansa.
Sinabi ni Pacquiao na hindi niya tatalikuran ang kaniyang pagbibigay serbisyo sa taumbayan.
Nagbigay din ang senador ng mensahe para sa susunod na uupong pangulo ng bansa kung saan, umaasa siya na magagampanan ng susunod na administrasyon ang kanilang tungkulin sa bansa.