Nasa walumpung (80) porsyento nang nasa kondisyon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa laban nito kontra kay Lucas Matthysse na gaganapin sa Hulyo sa Malaysia.
Napahanga ang trainer ni Pacquiao na si Buboy Fernandez sa ipinakitang bilis ng fighting senator.
Kahapon sumabak si Pacquiao sa walong rounds ng sparring session kung saan dumaing ng pananakit ng katawan ang mga sparmate ng Pambansang Kamao dahil sa tindi at lakas ng suntok ng senador.
Una rito, naniniwala si Fernandez na hindi malabong pabagsakin ni Pacquiao ang kalabang si Matthysse.
—-