Nasa unang pwesto pa rin si Manny Pacquiao sa lahat ng mga boksingerong lumalaban sa welterweight division.
Ito ay sa kabila ng 3 talo ni 8-Division World Champion sa huling 6 na laban nito
Split decision loss kay Timothy Bradley noong 2012, knock out kay Juan Manuel Marquez noong 2014, at upset kay Floyd Mayweather Junior noong nakarang taon.
Gayunpaman, nakuha muli ni Pacquiao ang unang pwesto matapos magretiro na ang dating Welterweight at Undefeated Pound-for-Pound King na si Mayweather.
Kagabi ay lumipad na si Pacquiao patungong Estados Unidos para sa paghahanda nito sa laban kay Timothy Bradley na nakatakda sa April 9.
By: Avee Devierte