Panahon na para mag-retiro sa boxing si Senador Manny Pacquiao.
Ito ang opinyon ng sports analyst na si Nissi Icasiano makaraang matagumpay na ma-knockout ni Pacquiao ang Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.
Paliwanag ni Icasiano, makabubuting gamitin na ni Pacquiao ang panibagong panalo para sa isang glorious exit sa laranggan ng boxing.
“Itong boxing it doesn’t smile upon aging fighters napaka-evident po niyan kung titingnan natin ang mga last fight nina Mohammad Ali, Mike Tyson, Oscar dela Hoya, kung bibigyan ng glorious exit si Pacquiao ito na ang tiyansa niya.” Ani Icasiano
Gayunman, sinabi ni Icasiano, kung sakaling piliin pa rin ni Pacquiao na magpatuloy lumaban, nakatitiyak aniya siyang muling magiging mataas ang value nito.
“If ‘yung intention niya is kumita pa ng mas malaking pera after this win eh mukhang mas malaki pa ang kikitain niya sa mga susunod na laban.” Pahayag ni Icasiano
Samantala, sinuportahan naman ni Senador JV ejerciTo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makabubuting magretiro na sa boxing si People’s Champ Manny Pacquiao.
Ayon kay Ejercito, isa nang alamat sa larangan boxing si Pacquiao at wala na aniya itong dapat patunayan pa.
Iginiit ni Ejercito, walang ibang Filipinong boksingero sa nakalipas na mga dekada ang nakapagbigay ng karangalan sa bansa na tulad nang naibigay ni Pacquiao.
Una rito sinabi ni Pangulong Duterte na nais niya nang mag-retiro si Pacquiao sa boxing, tutal aniya ay marami na itong pera at para ma-enjoy na rin nito ang buhay.
—-