Pormal nang lumagda sa California based management firm Paradigm Sports si Senador Manny Pacquiao.
Dahil dito uminit pa ang mga haka hakabang tuluyan nang makikipagsagupa ang pambansang kamao kay MMA expert Conor Mcgregor.
Sa kaniyang post sa Instagram ipinakita ni Pacman ang kontrata kasabay ang pagsasabing excited siyang makipag-partner sa Paradigm Sports para maituloy ang kaniyang professional boxing journey.
May pa-teaser pa ang pound for pound king sa kaniyang fans na hintayin ang aniya’y malaking bagay na darating sa kaniyang karera matapos lumagda sa Paradigm Sports.
Una nang na headline sina Pacman at Mcgregor sa buong mundo nuong isang buwan matapos kapwa ibunyag ng dalawang kampo ang pina-plantsang bakbakan ng mga ito sa ibabaw ng boxing ring.
Sa kabila ito ng mga napapaulat na paglaban ng fighting senator kay Mike Garcia habang si Mcgregor naman ay tinanggap na umano ang makikipagsagupa kay Dustin Poirier bago matapos ang taong ito.