Nagdeklara na ng senatorial bid si People’s Champ at Sarangani Representtaive Manny Pacquiao sa 2016 elections.
Gayunman, nilinaw ni Pacquiao na hindi pa niya matiyak kung anong partido ang magdadala sa kanya.
Ayon kay Pacman, noon pa siya kinakausap ng Liberal Party subalit malapit din siya sa kalabang partido.
Magugunitang dumalo ang Pambansang Kamao sa official declaration ni Vice President Jejomar Binay bilang standard bearer ng United Nationalist Alliance (UNA) noong Hulyo.
By Drew Nacino