Tinanggal na ng higanteng kumpanyang Nike si Filipino boxing icon Manny Pacquiao bilang kanilang endorser.
Kasunod na rin ito ng binitiwang negatibong komento ni Pacman sa usapin ng same sex marriage.
Sa inilabas na kalatas ng kumpanya, iginiit nito na kasuklam-suklam ang pahayag ni Pacquiao na bumabatikos sa LGBT community lalo pa’t suportado nila ito.
Naging aktibo ang Nike sa pagtanggal ng endorsement ng sinumang sikat na atleta na nasasangkot sa anumang uri ng kontrobersya.
By Meann Tanbio