Binisita ni People’s Champion Manny Pacquiao si Mary Jane Veloso sa Indonesia.
Mismong ang grupong Migante ang nagkumpirma sa pagbisita ni Pacman kasama ang maybahay na si Jinky kay Veloso.
Uminit na naman ang usapin dahil sa pangambang masama na si Mary Jane sa mga susunod na bibitayin sa Indonesia.
Natutuwa naman ang pamilya Veloso sa hakbang ni Pacman na una nang nanawagan kay Indonesian Presidente Joko Widodo na huwag nang bitayin ang Pinay OFW at nag-resulta naman sa pagbibigay ng reprieve kay Mary Jane.
By Judith Larino