Nananatiling pinaka-mayaman sa bansa ang real estate magnate at dating senate president na si Manny Villar.
Batay sa 2022 Forbes’ World’s Billionaires list, lumundag sa $8.3-B ang net worth ni Villar kumpara sa $6.7-B noong 2021.
Dahil dito, umakyat sa 263rd richest person in the world ang dating senador mula sa 352nd spot noong isang taon.
Sumunod si Ports Tycoon Enrique Razon Jr, na mayroong $6.7-B; Henry Sy Jr. ng SM Group at Andrew Tan ng Megaworld na kapwa may $2.8-B; magkakapatid na Sy; Ramon Ang ng San Miguel Corporation;
Lance Gokongwei ng JG Summit; Tony Tan Caktiong ng Jollibee; Betty Ang ng Monde Nissin; Lucio Tan ng Philippine Airlines;
Pinaka-bagong nadagdag sa listahan ang genomal brothers mula sa apparel maker na Page Industries at Maria Grace at Dennis Anthony Uy ng Converge ICT Solutions.
Samantala, pinaka-mayaman pa rin sa buong mundo si Elon Musk na may networth na $219-B.