Pinaka-mayamang tao na sa bansa ang business tycoon at real-estate magnate na si dating senador Manny Villar batay sa pinaka-bagong listahan ng pinaka-mayamang tao sa mundo ng Forbes Magazine, ngayong taon.
Pinangunahan ni Villar ang “richest list” sa Pilipinas matapos pumanaw ang mall magnate na si Henry Sy ng SM Prime Holdings noong Enero habang pasok sa 317th spot ang dating mambabatas sa worldwide rankings.
Aabot sa 5.8 billion dollars ang networth o kabuuang yaman ni Villar na chairman ng Starmalls, isa sa pinaka-malaking mall operator sa bansa at Vista and Landscapes, pinaka-malaking homebuilder sa Pilipinas.
Pangalawa sa listahan si JG Summit Founder John Gokongwei, 5.1 billion dollars; ICTSI chairman at Solaire Casino owner Enrique Razon Jr, 4.8 billion dollars; Lucio Tan ng PAL, 4.4 billion dollars;
Tony Tan Caktiong ng Jollibee, 3.9 billion; Ramon Ang ng San Miguel Corporation, 2.9 billion dollars, Andrew Tan, 2.7 billion at magkakapatid na Hans at Herbert, 2.4 billion dollars; Harly at Henry Sy Jr, 2.2 billion dollars.
Samantala, pinaka-mayamang tao naman sa mundo ang Amazon founder at CEO na si Jeff Bezos na may net worth na 131 billion dollars.