Umapela si Agriculture Secretary William Dar sa mga local government units (LGUs) at iba pang kinauukulang ahensiya na isama ang manok mga ipamamahaging food packs o relief goods.
Ito aniya ay upang makatulong na matugunan ang sobra-sobrang suplay at maging matatag ang presyo ng mga poultry products.
Ayon kay Dar, makatutulong sa pagpapataas sa demand ng manok ang pagsama nito sa mga relief goods na magreresulta rin sa pagtaas ng farmgate price nito.
Sinabi ni Dar, kailangan nilang maghanap ng ibang market para mapataas ang demand ng manok matapos na tumigil o magbawas ng operasyon ang malaking bilang ng mga food establishements at restaurants dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang panawagan ni Dar ay kasunod na rin ng naging apela ng United Broiler Raisers Association (UBRA) na naaapektuhan ang mga miyembro ng patuloy na mahinang demand at sobra-sobrang suplay ng manok.