Walong senador lamang mula sa mayorya ng senado ang sasama kay Senate President Vicente Tito Sotto III para dumalo at makinig sa huling State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.
Ayon kay Sotto, kabilang dito sina: Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Sen. Ronald Bato Dela Rosa, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Bong Go, Sen. Imee Marcos, Sen. Ramon Bong Revilla Jr at Sen. Francis Tolentino.
Ipinaalala ng Senate President na dapat bakunado kontra COVID-19 ang mga dadalong senador at kailangan din nilang magpakita ng negatibong resulta ng kanilang RT-PCR o swab test.
Ayon kay Sotto, inaasahan nilang ilalatag ng Pangulo sa huling SONA nito ang estado ng ekonomiya sa kabila ng nararanasang pandemiya gayundin ang mga natapos nang imprasktratura na naipatayo sa ilalim ng kaniyang adminsitrasyon.