Itinanggi ni Senador Leila de Lima ang alegason mula sa isa umanong pekeng news site na bumili siya ng mansyon sa New York sa Amerika sa halagang 6 million dollars.
Ayon kay De Lima, ang ipinakitang mansyon sa website ay Barlow-Pell Mansion Museum na kilalang landmark sa New York.
Ang naturang property anya ay pag-aari ng New York City Department of Parks and Recreation.
Magugunitang lumabas sa website na netizensph.com na bumili ng property ang mambabatas sa 895 Shore Road, Bronx, New York 10464.
Iginiit ng senador na isa lamang sa mga kathang-isip na balita ang lumabas sa naturang website na may intensyong siraan siya bilang isang halal na opisyal.
By Drew Nacino