Isandaang porsyento nang nag-match ang mga manual-audited copies ng election returns at electronically-transmitted results mula sa COMELEC transparency server.
Ito ang kinumpirma ng poll watchdog Parish Pastoral Council For Responsible Voting (PPCRV).
Ayon kay PPCRV Spokesperson, Atty. Vann Dela Cruz, ang 100% match ay katumbas ng manually-encoded 16,820 o 15% ng kabuuang total election returns (ERs).
Karamahan sa ERs ay mula sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, gaya ng pangasinan, Laguna, Bulacan, Cavite, Ilocos Norte, Sorsogon at Rizal; ilan mula Misamis Oriental at wala pa ang mula sa Visayas.
Inaasahang madaragdagan ang ERs na mano-manong i-o-audit ng PPCRV sa gitna ng patuloy na pagdating ng mga ito.
Hanggang kahapon, aabot na sa 24,640 copies ng election returns o 22.86% ng total na ang natanggap ng poll watchdog.