Pormal nang sinimulan ang manu-manong pagbibilang ng mga boto sa pagka-bise presidente mula sa tatlong lalawigan sa bansa.
Sakop ng muling pagbibilang ang mahigit sa 5,400 mga presinto mula sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Ang tatlong lugar ang inireklamo ni dating Senador Bongbong Marcos sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Taga-suporta ni ex-Sen. Bongbong, dumagsa sa Korte Suprema
Dinagsa ng mga taga suporta ni dating Senador Bongbong Marcos ang labas ng Korte Suprema para sa unang araw ng manual recount bilang bahagi ng inihaing election protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Suot ang mga pulang t-shirt at mga bandanang may naka-imprintang “Marcos”, daang daang mga supporters ng dating senador nagkampo at nagsagawa ng aktibidad sa labas ng Korte Suprema.
Dakong 10:30 naman kaninang umaga nang dumating si Marcos sa Korte Suprema para saksihan ang unang araw ng manual recount.
BASAHIN: MANUAL RECOUNT NG MGA BALOTA SA 2016 VP RACE KASADO NA BUKAS, ABRIL 2