Tiniyak ng Juan Brew, ang manufacturer ng Carabao Gin na sumusunod sila sa pinakamataas na pamantayan sa kanilang produkto.
Gayunman, sa isang statement na inilabas ng manufacturer sa social media, hindi nila binabalewala ang pagkakasangkot ng kanilang produkto sa pagkamatay ng isang babae at pagkalason ng isa pa.
Una nang sinabi ng Food and Drug Administration na nakitaan ng methanol poisoning ang mga biktima.
Sa kanilang website, nakalagay na ang Carabao Gin ay gawa sa distilled water, neutral spirit mula sa tubo, juniper berries, coriander seeds, dayap lime, angelica plant root, kaffir leaves, green at cardamom pods.
Kinumpirma ng FDA o Food and Drug Administration na mayroon pa ring mga bar ang nag aalok ng Carabao Gin.
Ang Carabao Gin ang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng isang babae at pagkalason di umano ng isa pa.
Ayon kay Health Undersecretary at FDA Officer in Charge Eric Domingo, maaaring may pananagutan ang mga nagbebenta ng Carabao Gin dahil wala itong certificate at product registration.
Napag alamang maliban sa mga bar, ibinebenta rin online ang Carabao Gin sa halagang 630 pesos kada bote.
Una rito, sinabi ng FDA na nakitaan ng methanol poisoning ang mga biktima.