Kakasuhan ng Food and Drug Administration (FDA) ang nasa likod ng pag-manufacture ng pekeng bakuna sa kagat ng aso o anti-rabies vaccine.
Ayon kay Atty. Michelle Lapus, Director ng Legal Service Support Center ng FDA, tukoy na nila ang manufacturer at napagsabihan na rin sila tungkol sa imbestigasyon.
Base sa paunang imbestigasyon, kumpirmadong peke ang Verorab anti-rabies vaccine na ang distributor ay ang Geramil Trading ng Calumpit, Bulacan.
Napag-alaman ring peke rin ang certificate of product registration na isinumite ni Genesis Bernardo, may-ari ng Geramil Trading.
Sinusuyod na ngayon ng FDA ang iba pang mga ospital lalo na sa Bulacan at Pampanga upang alamin kung may mga pekeng bakuna sa rabies na naipamahagi doon ang Geramil Trading.
—-