Ipinagmalaki ng Pfizer and Biontech na ligtas at maari nang iturok sa mga batang edad 5 taong gulang hanggang 11 taong gulang ang kanilang bakuna.
Ayon sa Pfizer and Biontech humihingi na sila ng regulatory authorization para sa kanilang bakuna.
Samantala, nakatakda namang dumating sa bansa ang mahigit 10 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines, Dr. Rabindra Abeyasinghe, ang mga dumating na bakuna sa bansa ay ibabahagi sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.
Kabilang sa mga lugar na padadalhan nito ay ang Metro Manila, rehiyon 3, 4-a, 7, at 11.—sa panulat ni Angelica Doctolero