Bumaba ang manufacturing output ng bansa nitong Agosto.
Iyan ay dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na Community Quarantine dahil sa banta ng COVID-19 delta variant na base naman sa resulta ng buwanang survey na isinagawa ng IHS markit.
Bumulusok sa 46.4 ang Philippine Manufacturing Industry (PMI) nitong Agosto pero hindi na anila ito nakagugulat dahil sa kasalukuyang contraction sa operating condition sa bansa.
Ito na ang pinakamababa sa loob ng 15 buwan mula May 2020.—sa panulat ni Rex Espiritu