Matapos ang higit apat na taon, bahagya nang nakarerekober ang manufacturing sector sa Pilipinas dulot ng mataas na manufacturing growth sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa survey ng S&P global, lumago sa 54.3 ang purchasing managers’ index o PMI ng bansa noong Abril kumpara sa 53.2 noong Marso.
Isa sa mga dahilan ang pagluwag ng restriksyon kontra COVID-19 na nagdulot ng mataas na demand at mataas na produksyon.
Sa Hunyo 9 inaasahang ilalabas ng pamahalaan ang opisyal na datos sa manufacturing output noong Abril.