Nakakulong na sa Philippine National Police Custodial Center sa Kampo Crame ang 38-anyos na miyembro ng New People’s Army o NPA na manugang ng National Democratic Front (NDF) Consultant na si Rafael Baylosis.
Ito’y makaraang isailalim sa inquest proceedings sa Department of Justice o DOJ kahapon si Marklen Maga matapos maaresto ng pinagsanib-puwersa ng militar at pulisya sa San Mateo, Rizal.
Dinakip si Maga sa bisa ng mandamiyento de aresto na inilabas ng korte dahil sa kasong murder dahil sa sinasabing pagpatay nito sa isang sundalo sa Agusan nuong Marso ng nakalipas na taon.
Nakumpiska rin kay Maga ang isang 45 pistola at mga bala kaya’t sinampahan din ito ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Bert Mozo
Posted by: Robert Eugenio