Patay ang manugang o son – in – law ni yumaong dating Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa pinagsanib na operasyon ng pulisya sa Toril District, Davao City.
Kinilala sa DWIZ ni Chief Inspector Ronald Lao, hepe ng Toril Philippine National Police (PNP) ang suspek na si Leonard ‘Jake’ Bolaño Dela Cruz na nahaharap sa patum-patong na kaso.
Sa ekslusibong panayam ng DWIZ kay Lao, sinabi nito na mag-a-alas dies (10:00) ng umaga ng Miyerkules nang magsilbi ng warrant of arrest kay Dela Cruz ang mga tauhan ng Toril PNP at PNP Regional Office 8 sa tinutuluyan nito sa Purok 15, Barangay Bato sa Upper Piedad.
Ngunit nanlaban at nakipagpalitan umano ito ng putok sa mga pulis habang nasa loob ito ng tinutuluyang apartment unit na siyang dahilan ng pagkakapatay dito.
Iba-iba si ano [Jake] may Republic Act 8294 siya ‘yung high powered fire arms tapos may Section 11 siya ng RA 9165.
Ang pangatlo RA 10591 regarding din ito sa fire arms. Pang-apat tsaka pang-lima may dalawang murder siya.
Ito ‘yung napatay niya ‘yung dating hepe ng Albuera station, ‘yung isang police senior inspector at isang police chief inspector.
Sinabi pa ng opisyal na noong isang taon pa tumakas sa Albuera, Leyte si Dela Cruz at napag-alamang nagtatago ito sa Davao City batay sa nakuhang intelligence report ng pulisya.
Ito right hand ito ni ano, kasi si Mayor [Espinosa] noong namatay, according sa report natin sa, actually tinuturuan nito sila noon na mag-shooting dahil gawing guard ito ni Mayor.
Lahat ng mga ginagawa ng mga nandoon, mga drugs, mga ano, makalabas siya dahil sa impluwensya daw ni Kerwin [Espinosa].
According sa intelligence unit natin doon, kaya nakialam si Kerwin kaya makalabas agad.
Marami pa sana itong kaso, kaso lang natakot sakanila noon hindi nag-file, kung nag-file pa daw aabot pa daw ng mga 20, ‘yun ang nasa information namin.