Nanawagan ang Management Association of the Philippines (MAP) sa mga mambabatas na unahin ang pangangailangan at interest ng bansa, sa halip na personal na motibo kasabay ng hindi pa naaaprubahang panukalang budget ng bansa dahil sa girian ng liderato sa kamara.
Ito ang naging tugon ng MAP kasunod ang pagsesertipikang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2021 budget at pagpapatawag nito ng special session sa mga mambabatas.
Dagdag pa ng MAP, huwag sanang hayaan ng mga mambabatas natin na magdusa ang taong bayan dahil sa personal na kagustuhang manatili sa posisyon at agaran nang dinggin ang panukalang budget.
Nauna rito, inihayag din ng MAP ang agam-agam nito sa posibleng maging masamang epekto sa ekonomiya ng bansa dahil sa mabagal na aksyon sa pagpapasa ng budget sa susunod na taon.