Nag-sorry ang Philippine National Police (PNP) sa mga guro kasunod ng mga mapang-insultong tarpaulin na ipinakalat sa buong lalawigan ng Sorsogon.
Nakasaad kasi sa nasabing mga tarpaulin na ikinabit ng Sorsogon City Police Station at Sorsogon City Advisory Council noong Marso na nagsasangkot sa mga guro sa mga kaso ng rape.
Dahilan para tawagin ito ng PNP Chief na discriminatory at naka-iinsulto kaya’t pinaalalahanan niya ang lahat ng mga pulis na pag-isipang maigi ang mga ilulunsad nilang programa at maging sensitibo sa damdamin ng iba.
Sa kasalukuyan ani Eleazar ay binaklas na ng mga pulis Sorsogon ang mga kontrobersyal na tarpaulin at nakipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng Department of Education (DEPED) at Commission on Higher Education (CHED) para talakayin ang nasabing usapin.