Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pakikiisa sa pag-obserba ng mga katoliko ngayong Todos los santos.
Ayon kay PBBM, nakikiisa siya sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day ngayong taon.
Mababatid na dalawang taon aniyang hinarap ng mga Pilipino ang hamon ng pandemya at dito nakita ng mga tao kung gaano kaiksi ang buhay.
Hangad ng Pangulo na maging daan ang okasyong ito upang maalala ang mga namayapang mahal sa buhay at maging pondasyon ng paniniwala. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla