Magiging sentro ng panalangin ng mga Muslim ngayong pagsisimula ng Ramadan ang kapayapaan sa darating na May 9 Elections.
Ayon kay Sultan Mutalib Sambuto, Muslim Affairs Chief ng South Cotabato, layon ng kanilang pag-aayuno na maging payapa, malinis at matagumpay ang gaganaping national at local election.
Ngayong nasa alert level 1 na ang ibang lugar sa probinsiya, asahan ang pagbabalik sa normal ng kanilang selebrasyon gaya noong wala pang COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Abby Malanday