Muling tiniyak ng China ang kanilang commitment upang maresolba ng mapayapa ang maritime dispute sa South China Sea.
Ito ang tugon ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang sa pahayag ng Department of Foreign Affairs o DFA sa unang anibersaryo ng paborableng desisyon ng International Court of Arbitration sa Pilipinas na naghain ng reklamo laban sa Tsina.
Ayon kay Geng, bagaman pinaninindigan nila ang kanilang soberanya, karapatan at interes as pinag-aagawang karagatan, ipinagpapatuloy ng Tsina ang negosasyon at konsultasyon sa mga kapwa claimant kabilang ang Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan din aniya ang China sa Association of South East Asian Nations upang mapantili ang kapayapaan sa South China Sea.
By Drew Nacino
Mapayapang pagresolba sa maritime dispute muling siniguro ng China was last modified: July 14th, 2017 by DWIZ 882