Sisiguraduhin ng Philippine National Police (PNP) na nakahanda na ang lahat para masigurong payapa ang magaganap na inagurasyon ni Vice President-elect Inday Sara Duterte bukas.
Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na “All Systems Go” na ang kanilang hanay para sa gaganaping inagurasyon ng ika-15 pangulo ng bansa.
Pahayag ni Fajardo, ngayong araw ay inaasahan na magkakaroon na ng semi-deployment ang mga PNP personnel sa Lungsod ng Davao.
Samantala, muli namang inihayag ni Fajardo na malayang makakapaghayag ng kanilang saloobin ang mga grupong magsasagawa ng Kilos-protesta.
Ngunit dapat lamang aniyang siguruhin ng mga ito na isasagawa lamang nila ang kanilang demonstrasyon sa mga designated areas gaya ng mga Freedom Park.