Isinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mapayapang resolusyon sa territorial dispute sa South China Sea.
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa ASEAN High Level Forum sa Conrad Manila Hotel sa Pasay City, kahapon.
Ayon sa punong ehekutibo, wala namang pangangailangan na sumabak sa digmaan lalo’t bukod sa Pilipinas at China, may iba pang claimant ang pinag-aagawang teritoryo.
Anya, pabor siya kung paghahatian na lamang ang resources sa South China Sea ng anim na claimants upang maiwasan ang posibleng sigalot.