Aminado si Senate President Franklin Drilon na posibleng lumabas na panakip butas na lamang ang mapipiling running mate ni Liberal Party (LP) standard bearer Mar Roxas.
Ito’y sa sandaling magdeklara na ng kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo si Senador Grace Poe.
Sinabi ni Drilon na ito ang dahilan kaya’t matagal na niyang sinasabi sa kanilang partido na tigilan na ang panliligaw kay Senador Grace Poe at maghanap na ng running mate para kay Roxas.
“Para bagang panakip butas na lang dahil hindi puwede ‘yung isa eh di sige ikaw na lang, eh hindi naman ganoon ang intensyon ngunit ganoon ang lumalabas.” Ani Drilon.
Time to give up
Kaugnay nito, dapat nang sumuko si Pangulong Benigno Aquino III sa panliligaw kay Senadora Grace Poe para maging ka-tandem ni dating Interior Secretary Mar Roxas sa 2016 Presidential election.
Ito ang inihayag ni Senate President Franklin Drilon, Vice Chairman ng Liberal Party bunsod na rin ng deklarasyon bukas ni Poe ng kanyang posibleng pagsabak sa Presidential race.
Ayon kay Drilon, malinaw naman ang intensyon ni Poe na maabot ang pinakamataas na posisyon.
“Matagal ko nang sinasabi na dapat maghanda na kami dahil sa aking pagbasa ay si Grace Poe ay tatakbong Pangulo, at ang panliligaw ay dapat tigilan na natin at tayo po ay maghanap na ng ka-tandem ni Secretary Mar Roxas.” Pahayag ni Drilon.
By Drew Nacino | Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit