Binatikos ng oposisyon sa Kamara si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas dahil sa patuloy nitong pag-iwas sa umano’y kontrobersiyang kinasasangkutan ng gobyerno sa housing program ng mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Ayon kay 1BAP Partylist Representative Silvestre Bello, senior member ng Minority Bloc, kailangan ni Roxas na magpaliwanag sa publiko lalo na at ito ang naunang umako ng kredito sa pamamahagi ng Emergency Shelter Assitance (ESA) sa mga survivors ng naturang bagyo sa “sorties” nito.
Giit ni Bello dapat magpakalalaki si Roxas ngayon at tanggapin ang kamalian nito dahil naglabasan na ang mga problema sa implementasyon ng programa.
Ang programang ESA ay nagbibigay ng cash assistance na P30,000 at P10,000 sa mga pamilya na ang bahay ay totally o partially nasira ng bagyong Yolanda para pambili ng construction materials para muling maitindig o magawa ang mga nasirang tirahan.
By Mariboy Ysibido