Dumipensa si Interior Secretary Mar Roxas sa naging patutsada ni Vice President Jejomar Binay na ibinigay umano sa DILG ang housing fund na dapat sa kanyang ahensya.
Ayon kay Roxas, mahigit sa 10 bilyon ang tinanggap na pondo ng National Housing Authority o NHA na kinabibilangan ng Housing and Urban Edvelopment Coordinating Council o HUDCC kung saan dating chairman ang Pangalawang Pangulo.
Kinuwestyon nito ang 5 taong pananahimik ni Binay bilang bahagi ng gabinete ng administrasyong Aquino.
Sinuportahan naman ni Roxas ang pagbibitiw ni Binay sa pagsasabing ang mga miyembro ng gabinete na nagbabalak na tumakbo ay dapat lamang na mag-resign sa puwesto.
Marapat lamang aniya na magbitiw si Binay dahil bagong upo pa lamang ito sa kanyang puwesto ay nagdeklara na itong tatakbo bilang Pangulo.
By Rianne Briones