Special mention si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa talumpati ni Pangulong Noynoy Aquino sa Sta. Barbara, Iloilo sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Pinuri ng Pangulong Aquino si Roxas partikular na sa naging papel nito sa integration ng mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental bilang Island Region.
Matatandaang isa si Roxas sa mga ikinukunsidera ng Pangulong Aquino na maging standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections.
Samantala, ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang tiwala na pipiliin ng taumbayan ang nararapat na susunod na maging pinuno ng bansa sa 2016.
By Ralph Obina