Kahit na kaalyado at kasamahan ni Vice President Jejomar Binay sa United Nationalist Alliance o UNA, kinampihan at ipinagtanggol ni Sen. JV Ejercito si Sen. Grace Poe sa harap ng mga gumagawa ng isyu sa pagiging ampon nito.
Ayon kay Ejercito, ‘below the belt’ ang mga personal na pag-atake laban kay Poe at hindi makatao ang ginagawang isyu ang pagiging ampon ng senadora.
Giit ng senador, batid na naman ng lahat na adopted daughter si Poe nina Da King Fernando Poe Jr. at Susan Roces.
Sinaklolohan din ni Interior Secretary Mar Roxas, si Sen. Grace Poe, kaugnay sa mga isyu na ibinabato sa kanya.
Ayon kay Roxas, mayroong proseso ang batas, subalit sa huli, ang karakter naman ng isang kandidato ang pagbabasehan ng publiko.
Makakabuti aniya na huwag nalang pansinin ni Poe ang mga isyu, lalo na at alam naman niya sa kanyang sarili kung ano ang katotohanan.
Binigyang diin ni Roxas na mayroon din karapatan si Poe, na isipin ang paglilingkod sa taong bayan.
By Jelbert Perdez | Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19) | Cris Barrientos (Patrol 21)