Si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na ang ieendorso ng Pangulong Noynoy Aquino bilang Presidential candidate ng Liberal Party para sa 2016 elections.
Inanunsyo ni Liberal Party Secretary General at Western Samar Representative Mel Senen Sarmiento na gagawin ang seremonya sa Club Filipino sa San Juan City sa Biyernes.
Hindi naman binanggit ni Sarmiento kung mag-eendorso rin ng Vice Presidential Candidate ang ruling administration party sa naturang okasyon.
Samantala, nalaman na umano ni Roxas na siya ang piniling standard bearer ng Pangulo at masayang-masayang ito.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)