Dapat nang tumayo sa kaniyang mga sariling paa at dumistansya sa Pangulong Noynoy Aquino si Liberal Party (LP) presidential bet Mar Roxas kapag nagsimula na ang kampanya.
Binigyang diin ni Liberal Party Vice Chair at House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. na mas mabuting si Roxas mismo ang magsala sa kanilang sarili bilang isang kandidato.
Magugunitang sinamahan ni PNoy si Roxas gayundin ang ka-tandem nitong si Congresswoman Leni Robredo sa paghahain ng kanilang COC o Certificate of Candidacy sa Commission on Elections (COMELEC).
Own Identity
Samantala, magkakaroon din ng sariling identity si Liberal Party presidential bet Mar Roxas kapag nagsimula na ang kampanya para sa 2016 presidential elections.
Ito ang paniniwala ni Team Daang Matuwid Spokesperson at Akbayan Partylist Representative Barry Gutierrez.
Sinabi ni Gutierrez na uubra namang gamitin ni Roxas ang malinis nitong track record noong nasa Kongreso pa ito hanggang sa maging bahagi ng gabinete ng Pangulong Noynoy Aquino.
Pupwede rin naman aniyang buhayin ni Roxas ang kaniyang Mr. Palengke persona nito para maipaalala sa mga botante ang naging papel nito sa pagpapalago ng BPO o Business Process Outsourcing Industry.
By Judith Larino