Tinukoy ng Commission on Elections (COMELEC) si Liberal Party senatorial candidate Mar Roxas na siyang may pinakamalaking ginastos noong May 2019 senatorial election.
Batay sa statement of contribution and expenditures (SOCE) na isinumite ni Roxas, mahigit P179-M ang kanyang ginastos kung saan P12-M dito ay mula sa kanyang sariling bulsa.
Para naman kay Senator elect Cynthia Villar, halos lahat ng kanyang ginastos noong eleksyon ay nagmula sa kanyang sariling pera kung saan inabot ito ng mahigit P135-M.
Wala umano siyang tinanggap na campaign contribution mula sa kayang mga supporters at partido.
Taliwas naman ito sa naging SOCE ni Senator elect Bong Go kung saan malaking bahagi ng kanyang naging campaign fund ay nagmula sa kanyang mga supporters.
Ayon kay Go, P415,000 lamang ang nagmula sa kanyang personal na pera habang nasa mahigit P162-M ang mula mga supporter.
Sa tala ng COMELEC, pito lamang sa labingdalawang (12) nanalong senador ang nakahabol sa deadline paghahain ng SOCE kahapon.