Nagsumite na ng SOCE o state of contributions and expenditures si Liberal Party presidentiable Mar Roxas.
Si Congressman Barry Gutierrez, Spokesman ng Daang Matuwid Coalition ang nagtungo sa Commission on Elections (COMELEC), bitbit ang 50 kahon ng mga dokumento kaugnay sa campaign contribution at expenses ng kampanya ng dating DOTC Secretary.
Ayon kay Gutierrez, pumapalo sa 469 million pesos ang tinanggap na campaign contribution ni Roxas at malaking bahagi nito ay mula sa kanyang pamilya partikular sa ina nitong si Judy Roxas na nag-donate ng 110 million pesos.
Walumpu’t tatlong porsyento aniya o 407 million pesos mula sa kabuuang campaign contributions ay ginastos sa advertisement ni Roxas bilang LP presidentiable.
Ipinabatid ni Gutierrez na 18 milyong piso na sariling pera ni Roxas ang ginamit nito sa kanyang kampanya.
By Judith Larino