Sinimulan nang ligawan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang NPC o Nationalist People’s Coalition.
Labing dalawang (12) miyembro ng NPC ang nakipagpulong kay Roxas sa headquarters mismo ng Liberal Party (LP) sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay NPC Secretary General Congressman Mark Leandro Mendoza, meet and greet lamang na maituturing ang nangyari sa pagitan ng kanilang grupo at ni Roxas.
Inamin rin ni Mendoza na kumbinsido sila sa mga platapormang inilatag sa kanila ni Roxas.
Sinabi ni Mendoza na dati na ring may supporters si Roxas sa NPC dahil sa suporta ng administrasyon sa mga miyembro ng NPC sa Kongreso.
Nilinaw ni Mendoza na may basbas ng pamunuan ng NPC ang pakikipagpulong nila kay Roxas.
By Len Aguirre | Jonathan Andal