Inamin ni Batangas Governor Vilma Santos – Recto na nakatatanggap siya ng mga feelers para tumakbo sa pagka-Bise Presidente ni Interior Secretary Mar Roxas sa ilalim ng Partido Liberal.
Ngunit ayon kay Governor V., wala pa siyang kongkretong plano para sa darating na halalan sa susunod na taon.
Tanging naging sagot lamang ng gobernadora ay ang kaniyang pagnanais na matapos ng matagumpay ang kaniyang huling termino gayundin ang kaniyang ginagawang pelikula kasama ang aktres na si Angel Locsin.
Ibinahagi rin ni Recto sa tuwing ipinaabot sa kaniya ng mga feelers ang alok ng Pangulong Aquino na tumakbo sa mas mataas na puwesto sa gobyerno, ang tanging nagiging sagot niya lamang ay “salamat sa konsiderasyon”.
By Jaymark Dagala