Walang nakikitang masama si Interior and Local Governmenr Secretary Mar Roxas kung maging clone umano siya ni Pangulong Benigno Aquino III.
Inihayag ito ni Roxas makaraang tawagin itong Noynoy 2.0 ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN matapos siyang iendorso ni Pangulong Aquino bilang standard bearer ng Partido Liberal.
Magugunitang sinabi ni Renato Reyes, Secretary General ng BAYAN na tulad ni Pangulong Noynoy Aquino, wala rin aniyang maidudulot na buti sa bansa si Roxas dahil sa ipagpapatuloy lamang aniya nito ang tuwid na daan ng kapalpakan at kahihiyan sa bansa.
Sagot naman ng kalihim, napatunayan na ng administrasyong Aquino ang mga ginawang pagbabago nito sa sistema ng pamamahala sa bansa kaya’t nararapat lamang na ipagpatuloy niya ito sa abot ng kaniyang makakaya.
By Jaymark Dagala