Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggawa ng isang ‘drastic’ o marahas na hakbang para tugunan ang karahasan sa bansa.
Ito’y kasunod ng serye ng patayan sa Negros Oriental.
Sa kaniyang talumpati sa anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pasay City, sinabi ng pangulo na sa malamang ay hindi magugustuhan ng marami ang kaniyang gagawin, ngunit ito ay kailangan.
Gayunman nilinaw ng pangulo na wala siyang balak maging isang diktador.
I will explain in the coming days. But I’m about to do something drastic. It will not sit well with everybody, maybe including you, but it is needed,” ani Duterte.
Hindi rin pinalampas ni Pangulong Duterte ang New People’s Army at sinabing dapat nang itigil ng mga ito ang kanilang panggugulo.
Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaaring magdeklara si Pangulong Duterte ng martial law sa Negros Oriental dahil sa sunod-sunod na mga patayan sa lalawigan.
In some parts of the PH, everything is not going well. [I’m talking] about Negros; the killing there has not stopped. It has gone unabated, unbridled, unstoppable, at lahat ng halos na barangay captain, nasa atin, yun yung legal natin eh. Namamatay. Pinapatay talaga ng mga p…i…So itong NPA, nagwa-warning ako, this cannot go on,” ani Duterte.