Ipinagtanggol ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa puna ng mga kritiko kaugnay sa mga maaanghang na pananalita nito.
Kasunod ito ng obserbasyon ng pagiging matalas umano ng dila ng Pangulo kaya’t nagkakaproblema ang administrasyon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, marami ang natutuwa sa pagka-prangka ng Pangulo at kaya naman sila ang nagpapaliwanag sa mga sinasabi nito ay upang hindi mawala sa konteksto.
Matatandaang maka-ilang beses na-headline sa mga balita ang Pangulo lalo’t kapag binubuweltahan ang mga bumabatikos o kumukuwestiyon sa kanyang mga ginagawa tulad na lamang nina Senator Leila de Lima, U.S. President Barack Obama at United Nations Secretary General Ban Ki Moon.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping