Mas marami pang mga Pilipinong mangingisda ang nakakapangisda na sa Baho De Masinloc.
Ayon ito sa Philippine Coastguard matapos mamataan ang 45 Filipino Fishing Boats sa isinagawang intensified maritime operations mula February 28 hanggang March 5.
Sinabi ni Coastguard Commandant Admiral Artemio Abu na malaking development ang pagdagsa ng mga Mangingisdang Pinoy sa lugar sa harap na rin ng kampanya nila para sa maritime safety and security sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Magugunitang 2021 nang iprotesta ng DFA ang pagharang at Radio Challenges ng Chinese Coastguard sa mga barko ng Philippine Coastguard na nagsasagawa ng legitimate patrols at Training Exercises sa palibot ng Baho De Masinloc.