Pinasinungalingan ng isang pro-life Congressman ang pahayag na dumami na ang mga mambabatas na pabor sa parusang kamatayan.
Sinabi ni Congressman Lito Atienza, marami pa ring mga mambabatas na tutol sa panukalang pagpapabalik ng parusang kamatayan pero hindi pa lang nagsasalita.
Sinabi rin ni Atienza na hindi tama na ipilit ang death penalty bill dahil non-negotiable ito sa hanay ng Pro-Life Congressmen.
Una nang sinabi ni Deputy Speaker Ferdinand Hernandez na dumami ang bilang ng mga mambabatas na pabor sa parusang kamatayan matapos mapagpasyahang ipauubaya na lamang sa mga judge ang pagpataw ng reclusion perpetua o death penalty.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc